Powered by Blogger.
RSS

Unli-foodtrip sa Tarlac.




Sa pasyal mode hindi maiwasang magutom ka sa init ng panahon ngayong Abril. Yung tipong hindi lang gusto mo mabusog ka kundi gusto mo rin matikman ang mga pagkain na bihira o hindi mo pa natikman sa buong buhay mo.






Dito sa Tarlac City, isang first class city sa Tarlac ay samu't-saring mga pasyalan ang pwede mong puntahan. Isa na dito ang makasaysayang Hacienda Luisita kung saan maraming mga magsasaka ang nagkandamatay para ipaglaban lamang ang lupang para sa kanila.. (aktibista mode).


 


Dahil na rin sa gutom ko sa pagkakaalam sa kasaysayan ng Tarlac, naghanap-hanap ako ng mga kainan na swak sa budget ko kaya nagpunta ako sa Police Station ng Tarlac. Hindi para magpakulong kundi para puntahan ang pinaka-sikat na kainan dito sa Tarlac City, ang Lola Bida's Food Haus.


 

Ang Lola Bida's Food Haus ay matatagpuan sa harap mismo ng Police Station ng Tarlac City. Dito ang presyo ng pagkain, 99pesos lang at eat all you can na. Marami kang pagpipilian ditong pagkain. Hindi ko masabi kung anu-anong mga pagkain ang hinahanda sa Lola Bida's dahil paiba-iba sila ng haing pagkain. Pero madalas sila maghain ng panghimagas na Fruit salad.


 

Nakatatlong round ako ng pagkain. Una kumain ako ng Chopsuey at basta hindi ko na matandaan kung anu-ano pa iyon. Ang pinaka- Technique para makakain ka ng marami ay wag ka na muna kumaha ng kanin para matikman mo lahat ng nakahaing pagkain. At kung nakapili ka ng masarap sa panlasa mong ulam at saka ka na kumaha ng kain para sulit naman ang pagkain mo. Nga lang mas-maigi na uminom ka na lang ng tubig para sa panulak ng pagkain kaysa bumili ka ng 1.5 liters na Softdrinks dahil baka mabilaukan ka lalo sa presyo..

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment